SAN JUAN CITY, Philippines – Pangungunahan nina San Juan City Mayor Francis Zamora at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) Chief Operating Officer Dr. Mark Lapid ang groundbreaking ceremony ng Pinaglabanan Tourist Center and Souvenir Shop ngayong Huwebes, Nobyembre 12, 2026.
Nagkakahalaga ng P17.1 milyon ang proyekto na pinagtutulungang isinusulong ng pamahalaang lungsod at TIEZA upang higit pang mapaunlad ang San Juan bilang destinasyon ng makasaysayang at pangkulturang turismo sa Metro Manila.

Itatayo ang dalawang-palapag na pasilidad na magkakaroon ng visitor information center, pasalubong at souvenir shop, coffee shop, indoor at al fresco dining areas, at mga pasilidad na madaling magamit ng mga bisita.
Matatagpuan ito sa loob ng makasaysayang Pinaglabanan Shrine at magsisilbing sentro para sa mga lokal at dayuhang turista na nangangailangan ng impormasyon tungkol sa mga pasyalan, lokal na produkto, pagkain at iba pang serbisyo.\








