Home HOME BANNER STORY P10K tulong pinansiyal sa bawat vendor, food stall owners na apektado ng...

P10K tulong pinansiyal sa bawat vendor, food stall owners na apektado ng ASEAN Summit, makararating – DSWD

6
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maayos na maipamahagi sa mga vendor at food stall owners na apektado ng paghahanda para sa ASEAN Summit ang financial assistance para mapunan ang kanilang mawawalang kita.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na tiyaking makararating sa mga apektadong vendor at food stall owners ang nasabing tulong pinansiyal.

Ang bawat apektadong vendor at food stall owners sa Pasay at Paranaque ay makakatanggap ng P10,000 na financial aid at family food packs sa ilalim ng AICS Program ng DSWD.

Sa kabilang dako, ikinagalak naman ng mga benepisyaryo ang tulong pinansyal ng pamahalaan, na ayon sa kanila ay malaking tulong sa kanilang kalagayan. At sila ay makikipag-cooperate sa pamahalaan dahil alam nila ang importansiya ng ASEAN Summit.

Samantala, aabot sa 60 indibiduwal ang nabigyan ng pansamantalang kabuhayan sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged workers o TUPAD Program ng DOLE.

Nagsimula ang emergency employment program kahapon para sa mga manggagawa na maaring maapektuhan sa gaganapin na ASEAN Summit. Ang inisyatibang ito ay alinsunod sa direktiba ng Pangulo na itaguyod ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here