Home SPORTS Kai Sotto maagang mag-eensayo sa Gilas Pilipinas

Kai Sotto maagang mag-eensayo sa Gilas Pilipinas

1
0

MANILA, Philippines – Isiniwalat ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na maagang makakasama nila si Kai Sotto sa ensayo para sa fifth window ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers.Bumili ng Globo

Sinabi ni Cone na kasama nilang babiyahe sa Seremban, Malaysia si Sotto sa darating na Nobyembre 21.

Dahil dito natuldukan ang pagdududa ng marami na hindi makakasama si Sotto dahil sa kaniyang injury matapos na inanunsiyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na kasama si Sotto sa 12-man roster ng national team.

Ayon pa kay Cone, nakapaglaro na sa huling laban ng Japan League si Sotto at ito ay interesado na makasama sa Gilas Pilipinas.Bumili ng Globo

Itinuturing si Sotto bilang pangunahing susi sa panalo ng Gilas sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers kung saan tinalo nila ang Iran at Jordan.

Sa fifth window makakaharap ng Gilas ang Syria at Iran.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here