Home METRO 11 lugar sapul ng nakamamatay na ‘damang-init’

11 lugar sapul ng nakamamatay na ‘damang-init’

1
0

MANILA, Philippines – Umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index sa dalawang lugar sa bansa nitong Huwebes, Nobyembre 12, habang siyam na lugar sa Luzon at Visayas ang nakapagtala ng mapanganib na antas ng init.

Batay sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naitala ang pinakamataas na heat index sa La Granja, La Carlota City, Negros Occidental at Borongan, Eastern Samar.

Umabot naman sa 42°C ang heat index sa Coron, Puerto Princesa City, Aborlan at Cuyo sa Palawan; Masbate City, Masbate; at Iloilo City at Dumangas sa Iloilo.

Ayon sa PAGASA, kabilang sa danger level ang heat index na 42°C hanggang 51°C, kung saan tumataas ang panganib ng heat cramps at heat exhaustion na maaaring mauwi sa heat stroke kapag nagpatuloy ang pagkakalantad sa matinding init.

Ang heat index ay tumutukoy sa init na nararamdaman ng katawan batay sa aktuwal na temperatura at halumigmig sa hangin.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na uminom ng sapat na tubig, limitahan ang mga aktibidad sa labas, at gumamit ng payong o sombrero upang makaiwas sa matinding init. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here