MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Senator Bong Go ang kanyang patuloy na suporta sa mga atletang Pilipino matapos niyang makasama sina Golden Boy Carlos Yulo, nakababatang kapatid nitong si Karl Eldrew Yulo, at boxer na si Carlo Paalam sa kanilang pagbisita sa Senado nitong November 11, 2026, Miyerkules.
Personal na binati ng senador ang tatlong atleta sa kanilang mga tagumpay sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan, kung saan nag-uwi si Carlos Yulo ng dalawang gold medals sa men’s floor exercise at vault events ng artistic gymnastics, habang nakamit naman ni Eldrew ang bronze medal sa men’s horizontal bar event.








