Home NATIONWIDE PETA nanawagan ng kasong kriminal vs sundalong pumatay ng aso

PETA nanawagan ng kasong kriminal vs sundalong pumatay ng aso

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) nitong Huwebes na sampahan ng kasong kriminal ang sundalong nakuhanan sa viral video na pumatay ng aso.

Nauna nang inalis sa puwesto ng Philippine Army ang enlisted personnel na may ranggong private first class at nakatalaga sa 1st Infantry Division (1ID) sa Zamboanga del Sur dahil sa umano’y pagmamalupit sa hayop.

Gayunman, sinabi ni PETA Asia President Jason Baker na hindi sapat ang pagkakatanggal sa puwesto upang mabigyan ng hustisya ang aso.

“Demotion alone cannot deliver justice for a dog whose life was violently taken,” pahayag ni Baker.

Nanawagan ang organisasyon na sampahan ang sundalo ng kasong animal cruelty at habambuhay na pagbawalang mag-alaga o magmay-ari ng anumang hayop.

“Dogs depend on humans for protection, and this dog suffered a terrifying and painful death at the hands of someone sworn to serve and protect,” dagdag ni Baker.

Sa kumalat na video sa social media, makikitang pinatay umano ng sundalo ang aso sa pamamagitan ng paghiwa sa leeg nito gamit ang kutsilyo.

Ayon naman kay Army spokesperson Col. Louie Dema-ala, nagpapatuloy ang kasong administratibo laban sa sundalo na maaaring maharap sa demotion sa ranggo bilang pinakamababang parusa.

Kinondena rin ng Philippine Army ang pagmamalupit sa mga hayop at sinabing sasailalim sa mga parusang administratibo at pandisiplina, gayundin sa kaukulang legal na aksyon, ang sinumang mapatunayang responsable.

“The Army will not tolerate misconduct and will ensure that those found guilty are held fully accountable, with due process observed,” ayon sa pahayag ng Army. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here