BULACAN – Arestado ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest ang No. 5 Most Wanted Person sa lalawigang ito sa lungsod ng Bacoor City, Cavite nitong Nobyembre 11.
Sa ulat ng pulisya, kinilala ang akusadong 45 anyos na lalaki na natunton ng mga awtoridad sa Rosal st, Brgy. Zapote 1.
Ayon sa ulat, nakatuwang ng istasyon ang 301st Manuever Company ng Regional Mobile Force Battalion 3 sa pagsilbi ng warrant na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 5FC, City of SJDM sa akusado.
Nabatid na nahaharap ang wanted sa multiple counts of Qualified Rape sa isang minor, Qualified Statutory Rape through Sexual Assault at Acts of Lasciviousness in relation to Republic Act 7610.
Dinala ang naarestong wanted sa istasyon para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (Dick Mirasol III)