Home METRO 3 arestado sa P202,800 ecstasy, shabu, marijuana vape sa Cavite

3 arestado sa P202,800 ecstasy, shabu, marijuana vape sa Cavite

1
0

CAVITE, Philippines – Tatlong lalaki ang naaresto sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office IV-A Special Enforcement Team 2, RSET Team 1 at PNP Maritime Group-Cavite sa Barangay San Nicolas 1, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang mga suspek sa mga alyas Marvin, 33; Edison, 45; at Marlon, 50, pawang residente ng nasabing barangay at kabilang sa listahan ng high-value drug personalities ng pulisya.

Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon dakong alas-6:30 ng gabi.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang 139 ecstasy tablets na may standard value na P166,800, limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000 at dalawang marijuana vape cartridge na nagkakahalaga ng P2,000.

Umabot sa P202,800 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11 at 12, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here