Home TOP STORIES Tanker, bumangga sa cruise ship sa New Orleans; ilang pasahero, nasagip

Tanker, bumangga sa cruise ship sa New Orleans; ilang pasahero, nasagip

1
0

MANILA, Philippines – Ilang pasahero ang napunta sa tubig matapos bumangga ang tanker na Atlantic Asphalt sa passenger cruise ship na American Heritage na nakadaong sa Mississippi River sa New Orleans, United States, nitong Biyernes.

Ayon sa pahayagang The Advocate, nasa 129 pasahero ang sakay ng cruise ship nang mangyari ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali, lokal na oras.

Iniulat naman ng CBS News na hindi bababa sa 14 na katao ang nasagip mula sa tubig. Patuloy ang search-and-rescue operations, ayon sa tanggapan ng alkalde ng New Orleans.

Sinabi ni US Department of Homeland Security Secretary Markwayne Mullin na ginagamit ng mga awtoridad ang lahat ng kanilang resources upang mailigtas ang mga nawawalang pasahero at nakikipag-ugnayan sila sa mga opisyal ng estado.

Kinumpirma ng US Coast Guard na rumesponde ito sa insidente at pansamantalang isinara ang daluyan ng ilog sa lugar.

Ayon naman sa American Cruise Lines, inilikas ang mga pasahero at tripulante at nakikipag-ugnayan na sila sa Coast Guard at mga lokal na awtoridad.

Wala pang inilalabas na kumpirmadong bilang ng mga nasawi o nasugatan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here