Home METRO Biyahe ng maliliit na sasakyang-pandagat sa tatlong bayan sa Palawan, pinayagan na

Biyahe ng maliliit na sasakyang-pandagat sa tatlong bayan sa Palawan, pinayagan na

1
0

MANILA, Philippines – Inalis na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang suspensiyon sa biyahe ng maliliit na sasakyang-pandagat sa mga bayan ng Roxas, Dumaran at Araceli sa Palawan kasunod ng pagbuti ng lagay ng panahon.

Sa Sea Travel Advisory No. 1126-002 na inilabas nitong Sabado, Nobyembre 14, inanunsiyo ng Coast Guard Station North Central Palawan na maaari nang magbalik-operasyon ang mga sasakyang-pandagat na may gross tonnage na 15 pababa sa tatlong bayan.

Batay ang desisyon sa pinakahuling weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na inilabas alas-4 ng madaling-araw.

Gayunman, pinaalalahanan ng PCG ang mga operator at marino na manatiling alerto at mag-ingat sa posibleng masamang panahon at kondisyon ng karagatan.

Pinayuhan din silang sundin ang mga alituntunin sa pagbiyahe ng mga sasakyang-pandagat kapag walang lokal na weather bulletin at ang mga binagong patakaran sa operasyon tuwing may malakas na panahon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here