MANILA, Philippines – Kinwestyon ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Sabado, Nobyembre 13, ang House-approved version ng proposed 2027 national budget.
Ani Remulla, may mga alokasyon ng pondo para sa mga proyektong wala namang konkretong plano.
Nauna nang nagpahayag ng pangamba ang People’s Budget Coalition (PBC) sa umano’y budget insertions na nagkakahalaga ng mahigit P1 trilyon sa House-approved General Appropriations Bill (GAB).
“Nagbago yung attitude ng Congress sa budget, noong araw… Hindi ganoon. You stay humble,” sinabi ni Remulla.
“Makuha yung pondo, bahala na kung papaano gagawin… walang preparation. Walang design. Walang specific plan. Walang specific comprehensive plan,” dagdag pa niya.
Aniya, ang ilan sa mga politiko na hindi kaalyado ng kani-kanilang gobernador ay maaaring humirit ng hiwalay na funding allocations para maiwasang dumaan sa Provincial Development Council (PDC) at Regional Development Council (RDC).
Wala pang tugon ang Kamara kaugnay ng komento ni Remulla. RNT/JGC