MANILA, Philippines – Nakatipid ang pamahalaan ng P260.4 milyon sa panghihiram ng mga sasakyan na gagamitin para sa 49th ASEAN Summit.
Ayon sa Malakanyang, ang mga sasakyang ito ay ibabalik sa mga kompanya matapos ang mga pagtitipon.
“Nakatipid tayo ng humigit-kumulang P260.4 million. Ang 50 na vehicles ng Hyundai ay nagkakahalaga ng P146.6 million at P93.8 million naman Lexus at P20 million ang ambag ng Grab,” sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro nitong Sabado, Nobyembre 14.
“Ang lahat ng sasakyan na ipinahiram ng mga kumpanyang ito ay ibabalik pagkatapos ng ASEAN 2026 hosting period,” dagdag pa niya.
Sa pagdepensa sa P22.9 bilyong badyet para sa regional summit, sinabi ni Castro na sakop nito ang year-long hosting ng mga aktibidad sa ASEAN at hindi lamang ang pagtitipon ngayong Nobyembre. RNT/JGC