MANILA, Philippines – Umakyat na sa 1,170 ang mga overseas Filipino workers (OFW) na napauwi mula Riyadh, Saudi Arabia, iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado, Nobyembre 14.
Sa pinakahuling repatriation efforts, 70 OFW ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (Naia) – Terminal 3 noong Biyernes sakay ng Qatar Airways flight.
“Ligtas na dumating sa Pilipinas ang 70 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia lulan ng Qatar Airways na lumapag noong November 13, 2026 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, Pasay City,” saad sa pahayag ng DMW.
Ang mga ito ay binigyan ng medical, financial, at transportation assistance sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration at Manila International Airport Authority.
Isinasagawa ang repatriation efforts sa Riyadh kasabay ng tensyon ng rehiyon. RNT/JGC