Home METRO 5 arestado sa Oplan galugad ng Valenzuela PNP

5 arestado sa Oplan galugad ng Valenzuela PNP

1
0

MANILA, Philippines – ARESTADO ang limang hinihinalang drug personalities kabilang ang magkapatid na naaktuhang sumisinghot sa loob ng isang sementeryo nang magsagawa ang pulisya ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat, alas-11-05 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang dalawang kelot makaraang maaktuhan na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ sa Lot 4, Block 18, Phase 1, Sandaba Street, Northville 1, Barangay Bignay.

Nasamsam sa kanila nina PMSg Conge at PSSg Herrera, kapwa ng Police Sub-station 7 ang bet money, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha umano sa 40-anyos na truck driver na si alyas “Erick”.

Dakong alas-3:20 ng madaling araw nang maaresto nina Pat Calagui at Pat Hernandez ang magkapatid sina alyas “Maru” at alyas “Jay-R” na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng Saint Angelous Cemetery sa Brgy. Maysan.

Nauna rito, pasado alas-2:00 ng hapon nang mahuli naman sa akto nina PCpl Sison at Pat Asuncion ang 46-anyos na si alyas “Dennis”, construction worker na bumabatak umano ng shabu sa tabi ng isang bahay sa Pinagpala St., Sitio Pinalagad, Brgy., Malinta.

Sa Brgy., Ugong, naaktuhan naman nina PSSg Sanchez at Pat Barroga, kapwa ng Police Sub-Station 8 si alyas “Kim” na gumagamit din umano ng droga sa loob ng isang bahay sa M. Bernardino Street alas-8:35 ng gabi.

mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s office. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here