MANILA, Philippines – DUMATING na sa bansa ang mga prominenteng lider ng iba’t ibang bansa at pandaigdigang organisasyon para sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits na gaganapin sa Maynila mula Nobyembre 15 hanggang 17, 2026.
Sa katunayan, sa Opening ceremony ng 49th ASEAN Summit and Related Summits, araw ng Linggo, Nobyembre 15, eksaktong alas-8 ng umaga isa-isanang nagdatingan sina Director-General U Han Win Aung, Myanmar representative;
Dr. Hang Chuon Naron, Deputy Prime Minister ng Cambodia;
Prime Minister Saleumxay Kommasith at Madame Alouny Kommasith ng Lao People’s Democratic Republic;
Prime Minister Dato’ Seri Anwar Ibrahim at Dato’ Seri Dr. Wan Azizah Wan Ismail ng Malaysia;
Prime Minister Lawrence Wong ng Singapore;
Prime Minister Kay Rala Xanana Gusmao ng Timor-Leste;
Prime Minister Le Minh Hung ng Vietnam;
Prime Minister Anutin Charnvirakul at Mrs. Thananon Charnvirakul ng Thailand;
United Nations Secretary-General Antonio Guterres;
International Monetary Fund Managing Director Kristalina Georgieva;
Prime Minister Mark Joseph Carney ng Canada;
Sultan Haji Hassanal Bolkiah at Prince Abdul Mateen Bolkiah ng Brunei;
President Prabowo Subianto ng Indonesia;
President Luiz Inacio Lula da Silva at Mrs. Janja Lula da Silva ng Brazil na mainit na tinanggap naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga delegasyon bilang tagapangulo ng ASEAN ngayong 2026. Kasama ng Pangulo si First Lady Lisa Araneta- Marcos.
Sa ulat, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi bababa sa 19 na lider ng mga bansa at pandaigdigang institusyon ang inaasahang makikilahok sa mahahalagang pagtitipon. KRIS JOSE