Home HOME BANNER STORY ASEAN Summit tamang panahon para tugunan mga kasalukuyang hamon ng rehiyon-PBBM

ASEAN Summit tamang panahon para tugunan mga kasalukuyang hamon ng rehiyon-PBBM

1
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Linggo, Nobyembre 15, na ang 49th Association of Southeast Asia Nations (ASEAN) Summit and Related Summits ang tamang panahon para sa mga miyembro ng estado para tugunan ang mga hamon na kinahaharap ng rehiyon.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa Opening Ceremony ng 49TH ASEAN Summit and Related Summits, sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City, sinabi ng Chief Executive na kabilang sa mga hamon na ito ay ang transnational crimes na may kinalaman sa trafficking, cybercrime, at online scams.

Mayroon din aniyang pangangailangan na palakasin ang maritime cooperation.

“Over the coming days, alongside our external partners, the choices we will make shape how ASEAN meets the challenges of today, seizes the opportunities of tomorrow, and prepares the region for the coming generations,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“As the Balangay reminds us, no journey is made by following one direction alone. It requires trust among those who travel together, the strength to adjust to changing conditions, and a shared sense of commitment towards our shared goals and common destinations,” aniya pa rin, kung saan inilarawan ng Pangulo ang ASEAN 2026 logo.

Sa opening ceremony pa rin, ang bagong sagisag ng ASEAN ay in- unveil, Ang Pilipinas, chair ng 2026 ASEAN na may temang “Navigating Our Future, Together.”

Sa kabilang dako, kapuwa naman pinangunahan nina Pangulong Marcos at ASEAN secretary-general Dr Kao Kin Hourn ang updated presentation ng updated flag at sertipiko.

Si Hla Hla Aung ng Myanmar ay ginawaran ng ASEAN Prize ngayong taon.

Kinilala sa Aung sa kanyang commitment na isulong ang disaster resilience, partikular na ang pagpihit ng scientific research sa policy advocacy at community empowerment.

Nauna rito, mainit na tinanggap nina Pangulong Marcos at Unang GInang Liza Araneta-Marcos ang bawat delegado sa pagdating ng mga ito sa PICC. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here