MANILA, Philippines – Posibleng maglabas ng karagdgaang labor advisories ang Department of Labor and Employment o DOLE upang maprotektahan ang mga manggagawa, partikular ang delivery riders at iba pang nagtatrabaho sa ilalim ng matinding sikat ng araw.
Ginawa ng kalihim ang pahayag sa Gina nana Court Queens 2 O partitipon ng mga pinakamahuhusay ng women’s basketball players ng bansa sa Sky Ranch, Tagaytay City sa Nobyembre 14-15, 2026.
Binigyang diin ni DOLE Secretary Francis Tolentino, na nailabas ng kagawaran ang labor advisory na tumutukoy sa proteksyon ng mga riders laban sa epekto ng matinding init, habang patuloy na sinusubaybayan ang lagay ng panahon upang matukoy kung kinakailangan pa ang karagdagang hakbang.
Inihayag din ng kalihim na may mga ulat ng matinding temperatura sa ilang bahagi ng Mindanao na umaabot sa 42 hanggang 43 degrees Celsius, bagama’t hindi pa ganoon katindi ang init sa Metro Manila.
Sinabi ni Tolentino na maaaring iakma ang mga umiiral na labor advisories depende sa magiging takbo ng panahon at antas ng panganib sa kalusugan ng mga manggagawa.
Layunin ng DOLE na matiyak ang kaligtasan ng mga riders at iba pang manggagawang direktang nalalantad sa init, at maiwasan ang mga sakit na may kaugnayan sa matinding temperatura. Jocelyn Tabangcura-Domenden