MANILA, Philippines – Muling bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes, Nobyembre 17, 2026, ayon sa Department of Energy (DOE).
Batay sa mga adjustment, magkakaroon ng bawas-presyo na ₱3.80 kada litro sa diesel, ₱1.50 sa gasolina at ₱5.80 sa kerosene.
Ito ang ikalawang sunod na linggo ng rollback sa gasolina, habang ikatlong magkakasunod na linggo naman ng pagbaba ng presyo ng diesel at kerosene.
Nauna nang nagpatupad ng malakihang rollback noong Nobyembre 10, kung saan bumaba ng ₱16.80 kada litro ang gasolina, ₱4.10 ang diesel at ₱3.70 ang kerosene.
Iniugnay ng DOE ang naunang pagbaba ng presyo sa paghupa ng pangamba sa posibleng pagkaantala ng suplay ng langis mula sa Middle East.
Samantala, ayon sa International Energy Agency (IEA), inaasahang lalampas ang pandaigdigang suplay ng langis sa demand sa huling quarter ng 2026 kasunod ng pagtaas ng oil exports mula sa Gulf region.
Gayunman, nananatili ang panganib ng pagkaantala ng suplay dahil sa patuloy na tensyon at mga pag-atake sa mga barkong dumaraan sa Strait of Hormuz.
Ang panibagong rollback ay inaasahang magbibigay ng karagdagang ginhawa sa mga motorista at transport operators na apektado ng mataas na presyo ng petrolyo. RNT