Home HOME BANNER STORY Pahalik area sa Traslacion 2027, planong baguhin

Pahalik area sa Traslacion 2027, planong baguhin

1
0

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ng Quiapo Church ang pagpapalawak ng entablado at pagbabago sa puwesto ng tradisyunal na Pahalik sa Quirino Grandstand bilang bahagi ng paghahanda para sa Traslacion 2027.

Nagsagawa ng ocular inspection ang mga opisyal ng simbahan at mga inhinyero ng Manila City Government sa Quirino Grandstand sa Rizal Park noong Biyernes, Nobyembre 13.

Pinangunahan ito ni Quiapo Church Rector at Parish Priest Fr. Ramon Jade Licuanan, kasama ang Fiesta Council at mga kinatawan ng Manila Department of Engineering and Public Works.

Kabilang sa mga pinag-aaralang pagbabago ang pagpapalawak ng stage, muling pagsasaayos ng Pahalik area, at paglilipat sa Quirino Grandstand ng pagbabasbas ng mga replica ng imahen ng Jesus Nazareno.

Layunin ng mga panukala na mapabuti ang daloy ng mga deboto at matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa mga aktibidad bago ang Traslacion sa Enero 9, 2027.

Nauna nang sinimulan ng Quiapo Church ang paghahanda sa susunod na Traslacion matapos umabot sa halos 31 oras ang prusisyon noong Enero 2026, ang pinakamahaba sa kasaysayan ng pagdiriwang.

Patuloy ang koordinasyon ng simbahan at lokal na pamahalaan para sa mga kinakailangang pagbabago sa pasilidad at crowd management.

May temang “Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon” ang pagdiriwang ng Nazareno 2027. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here