CALOOCAN CITY, Philippines – Arestado ang isang 57-anyos na mister dahil sa kasong robbery makaraang maispatan ito sa kanilang lugar sa Caloocan City.
Batay sa report na nakarating sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili , ang pagkakaaresto sa akusado ay bundos ng natanggap na impormasyon hinggil sa kinaroroonan nito sa Brgy. 67, a nabanggit na lungsod.
Alas-3:50 ng hapon nang tuluyang masukol ng mga operatiba ng District Mobile Force Battalion (DMFB) malapit sa kanilang tirahan ang akusado na kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person ng Caloocan City Police Station.
Dinakip siya ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Robbery na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), Branch 120, Caloocan City, na may inirekomendang piyansa na P100,000.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng NPD habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman. (Merly Duero)