Home METRO Banner kontra Pax Silica sa unibersidad sa Isabela, inialis

Banner kontra Pax Silica sa unibersidad sa Isabela, inialis

3
0

ISABELA, Philippines – Inalis bago magtanghali nitong Martes, Nobyembre 17, ang banner na tumututol sa Pax Silica initiative na ikinabit ng Supreme Student Council (SSC) ng Isabela State University (ISU).

Nakasaad sa banner ang panawagang “Reject Pax Silica.” Ikinabit ito sa isa sa mga istruktura sa loob ng campus noong gabi ng Lunes, Nobyembre 16, kasunod ng matagumpay na kilos-protesta na pinangunahan ng kabataan sa Cauayan City.

Noong nakaraang taon, pinangunahan din ng parehong student council ang isang walkout laban sa malawakang korapsyon sa pamahalaan na nilahukan ng halos 500 estudyante. Itinuring itong mahalagang kauna-unahang pagkilos sa lalawigan at sa buong ISU system.

Humingi na ng pahayag ang INQUIRER.net sa pamunuan ng unibersidad, ngunit wala pa itong natatanggap na tugon mula kay University President Boyet Batang.

Samantala, nagkabit din ng mga banner at nagsagawa ng ilang pagkilos sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ang grupong Dagami-Isabela upang tutulan ang Pax Silica initiative at ang nakatakdang pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas.

Ayon sa grupo, “The development of a few will not bring about any progress, but instead worsen the struggles of many Filipinos.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here