Home NATIONWIDE Presyo ng tuyong palay sa farmgate, tumaas sa P21.27 kada kilo

Presyo ng tuyong palay sa farmgate, tumaas sa P21.27 kada kilo

1
0

MANILA, Philippines – Umakyat sa P21.27 kada kilo ang average farmgate price ng tuyong palay noong Oktubre 2026, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mataas ito nang halos 34 porsiyento kumpara sa P15.89 kada kilo noong Oktubre 2025. Tumaas din ito mula sa P20.84 kada kilo noong Setyembre 2026.

Ayon sa PSA, ang farmgate price ay presyong natatanggap ng mga magsasaka para sa kanilang produkto sa mismong lugar ng sakahan. Hindi kasama rito ang gastos sa transportasyon at iba pang gastusin sa pagbebenta.

Sa mga rehiyon, pinakamalaki ang naitalang pagtaas sa Calabarzon na umabot sa halos 58 porsiyento, mula P12.26 kada kilo noong Oktubre 2025 hanggang P19.35 ngayong Oktubre.

Sumunod ang Negros Island Region na nagtala ng 47 porsiyentong pagtaas, mula P14.63 hanggang P21.51 kada kilo.

Nauna nang itinaas ng National Food Authority ang buying price ng palay sa P30 kada kilo. Pinapayagan na rin ang mga magsasaka na makapagsuplay ng hanggang 500 sako kada cropping season. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here