ZAMBALES, Philippines – Dinamba ng mga awtoridad ang isang Konsehal ng bayan na wanted umano sa kasong bentahan ng iligal na petrolyo sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa Barangay Libertad, San Narciso.
Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Sherille, 51 anyos, dalaga, at kasalukuyang Municipal Councilor sa bayan ng Subic, Zambales.
Sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Korte, naaresto ang suspek na wanted at akusado sa kasong iligal umanong bentahan/pagbebenta ng produktong petrolyo, matapos umanong matunton at masukol ng mga awtoridad sa kinororoonan ng suspek.
Nasa kustodiya na nang pulisya ang naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. (ROEL TARAYAO)