Home METRO Bebot, ‘di nakasingil ng pautang, tinutukan ng baril, pinagbantaan sa Navotas

Bebot, ‘di nakasingil ng pautang, tinutukan ng baril, pinagbantaan sa Navotas

1
0

NAVOTAS CITY, Philippines – Hindi na nga nakasingil ng pautang, nagawa pang tutukan ng baril at pagbantaan ang buhay ng isang 42-anyos na bebot ng suspek na nangutang rito, napaulat kagabi sa Navotas City.

Sa report na  ipinarating ni Navotas police chief P/Col. Renante Pinuela kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili,  alas-10:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa Brgy. Tanza 1 kung saan tinutukan ng 19- na taong gulang na suspek ang biktimang si alyas “Inday”.

Nabatid na siningil ng biktima ang suspek sa utang nitong P2,000 ilang linggo na ang nakalipas subalit, sa halip na magbayad ay naglabas umano ng baril ang lalaki at tinutukan  ang una  at  pinagbantaang papatayin.

Sa labis na takot, tumakbo ang biktima hanggang makahingi ng tulong sa mga tauhan ni Col. Pinuela na nagpapatrolya sa lugar na agad namang rumesponde na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang isang hindi lisensiyadong kalibre. 38 revolver na kargado ng isang bala na ginamit niya sa panunutok sa biktima.

Mahaharap ang suspek sa mga kasong Grave Threat at paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here