MANILA, Philippines — Hindi minasama ni Pope Leo XIV ang pagkakatama sa kanyang mata ng rosaryong inihagis ng isang deboto habang sakay siya ng popemobile sa Lima, Peru nitong Lunes, Nobyembre 16.
Sa ulat ng Associated Press, sinabi ng Santo Papa sa isang press conference habang pabalik sa Roma na nauunawaan niya ang ginawa ng deboto bilang pagpapakita ng matinding pananampalataya.
Pabiro pa niyang sinabi na ang pagmamahal ng mga Peruvian ay nananatili sa kanyang puso, at marahil maging sa kanyang mata.
Naganap ang insidente habang binabati ni Pope Leo ang mga mananampalataya bago ang kanyang huling misa sa Las Palmas Air Base.
Makikita sa mga video na napahawak ang Santo Papa sa kanyang mata matapos tamaan ng rosaryo. Gayunman, ipinagpatuloy niya ang kanyang paglibot at misa nang walang nakitang seryosong pinsala.
Tinatayang 1.5 milyong deboto ang dumalo sa naturang misa, ayon sa Vatican.
Ang pagbisita sa Peru ang huling bahagi ng 12-araw na paglalakbay ni Pope Leo sa South America, na kinabibilangan din ng Uruguay at Argentina. RNT