Home HOME BANNER STORY Mga korte sa NCR, ilang probinsya suspendido ngayong Nob. 18 — SC

Mga korte sa NCR, ilang probinsya suspendido ngayong Nob. 18 — SC

6
0
Supreme Court

MANILA, Philippines — Suspendido ang operasyon ng mga korte sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa ngayong Miyerkoles, Nobyembre 18, dahil sa 49th ASEAN Summit at mga nakatakdang power interruption, ayon sa Supreme Court (SC).

Kabilang sa mga walang operasyon sa National Capital Region (NCR) ang Supreme Court, Court of Appeals-Manila, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at lahat ng korte sa National Capital Judicial Region.

Suspendido rin ang operasyon ng Offices of the Regional Court Managers sa NCR-A at NCR-B.

Bukod sa Metro Manila, walang operasyon ang Municipal Trial Court sa Carranglan at lahat ng korte sa San Jose City, Nueva Ecija.

Sa Camarines Sur, apektado ang mga korte sa Baao, Buhi, Nabua, Balatan, Bula at Iriga City.

Suspendido rin ang operasyon ng Regional Trial Court Branch 27 at 4th Municipal Circuit Trial Court ng Siocon-Baliguian-Sirawai sa Zamboanga del Norte.

Ayon sa SC, pansamantalang suspendido ang pagsusumite ng initiatory at non-initiatory pleadings sa mga kasong kriminal, habang ililipat sa susunod na working day ang mga kaukulang deadline.

Ganoon din ang patakaran sa personal, registered mail at accredited courier filing ng initiatory pleadings sa mga kasong sibil.

Gayunman, sa ilalim ng Rule 13-A, kailangan pa ring isumite sa pamamagitan ng email ang non-initiatory pleadings sa mga kasong sibil.

Pinayuhan ang publiko na sumangguni sa mga opisyal na abiso ng Korte Suprema para sa karagdagang detalye tungkol sa mga apektadong korte. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here