Home HOME BANNER STORY Amihan, inaasahang muling lalakas sa Northern Luzon simula Nob 19

Amihan, inaasahang muling lalakas sa Northern Luzon simula Nob 19

3
0

MANILA, Philippines – Inaasahang muling mararamdaman ang pag-ihip ng northeast monsoon o amihan sa Northern Luzon simula Huwebes, Nobyembre 19, matapos ang ilang araw na mainit at maalinsangang panahon dahil sa easterlies, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ni PAGASA weather specialist Leanne Loreto na magdadala ang amihan ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan at mga isolated light rain sa mga apektadong lugar hanggang Linggo, Nobyembre 22.

Samantala, inaasahang magdudulot ng pag-ulan sa Cagayan at Isabela ang shear line na nabubuo sa pagtatagpo ng easterlies at amihan.

Posible ring magdala ng kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao ang easterlies at intertropical convergence zone (ITCZ).

Ang easterlies ay maiinit at maalinsangang hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko, habang nabubuo naman ang ITCZ sa pagtatagpo ng mga hangin mula sa Northern at Southern Hemispheres.

Mababa rin ang posibilidad na magkaroon ng low-pressure area o tropical cyclone sa loob ng susunod na apat na araw, ayon sa PAGASA. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here