Home SPORTS Irish Boxer Lee Reeves pumanaw matapos ang 3 buwang coma

Irish Boxer Lee Reeves pumanaw matapos ang 3 buwang coma

2
0

MANILA, Philippines – Tuluyang nang pumanaw ang Irish boxer na si Lee “El Champo” Reeves matapos ang ilang buwang pakikipaglaban sa kanyang buhay kasunod ng kaniyang pagkaka-knockout sa isang boxing match noong Agosto 1 sa Dublin, Ireland.

Matatandaang sumabak si Reeves kontra kay Gary Cully para sa BUI Celtic Light-Welterweight title, subalit natalo ito matapos mapabagsak ng dalawang beses sa 10th round.

Agad siyang isinugod sa ospital at sumailalim sa operasyon bago inilagay sa medically induced coma dahil sa malubhang kondisyon.

Agad namang nagpa-abot ng pakikiramay ang kaniyang coach na si Jonathan O’Brien at huling nakalaban na si Cully, na kapwa nagbigay-pugay sa kaniyang katapangan at pagkatao.

Bukod sa boksing, nakilala rin si Reeves bilang tagapagtaguyod ng mental health awareness at ambassador ng Limerick Treaty Suicide Prevention group.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here