Home IN PHOTOS Operational centers, ininspeksyon ng MMDA sa ikatlong araw ng ASEAN Summit

Operational centers, ininspeksyon ng MMDA sa ikatlong araw ng ASEAN Summit

4
0

MANILA, Philippines – Personal na ininspeksyon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes ang mga operational center ng ahensya bilang bahagi ng tuloy-tuloy na operasyon sa ikatlong araw ng 49th ASEAN Summit 2026.

Kabilang sa binisita ni Artes ang Emergency Operation Center (EOC) Headquarters, na nagsisilbing sentro ng monitoring at operasyon ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC).

Layunin nitong matiyak ang tuloy-tuloy na pagbabantay sa mga posibleng emergency at agarang koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya sakaling magkaroon ng anumang insidente habang isinasagawa ang summit.

Nagtungo rin ang MMDA chairman sa Multi-Agency Coordinating Center (MACC), kung saan sama-samang nagsasagawa ng real-time monitoring sa mga aktibidad ng summit ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at nakikipag-ugnayan sa pagpapatupad ng mga hakbang sa seguridad.

Sa pamamagitan ng mga pasilidad na ito, napag-uugnay ang operasyon ng iba’t ibang ahensya upang mapanatili ang seguridad at maayos na pagtugon sa mga emergency sa buong Metro Manila habang idinaraos ang ASEAN Summit. Danny Querubin

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here