Home METRO Pasahero sa Puerto Galera, tumaas ng 122% ngayong ASEAN long weekend

Pasahero sa Puerto Galera, tumaas ng 122% ngayong ASEAN long weekend

10
0

PUERTO GALERA, Oriental Mindoro, Philippines – Umabot sa 10,182 ang bilang ng mga pasaherong dumaan sa Port of Puerto Galera mula Nobyembre 13 hanggang 16, kasabay ng ASEAN Summit long weekend.

Mas mataas ito ng 122 porsiyento kumpara sa 4,589 pasaherong naitala noong Nobyembre 6 hanggang 9 sa normal na operasyon ng pantalan.

Dahil sa pagdagsa ng mga biyahero, nagsagawa ng inspeksyon ang Port Management Office (PMO) Mindoro noong Nobyembre 16 upang matiyak ang kahandaan ng pantalan, maayos na operasyon ng mga barko at kaligtasan ng mga pasahero.

Patuloy ding minomonitor ng PMO Mindoro ang daloy ng mga biyahero dahil inaasahang dadami pa ang mga papaalis habang papalapit ang pagtatapos ng long weekend. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here