Home METRO 4 HVI arestado sa La Union

4 HVI arestado sa La Union

2
0

LA UNION, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang 36.70 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P249,560 at naaresto ang apat na katao na mga umano’y high-value individual (HVI) sa isinagawang operasyon sa bayan ng San Juan ng lalawigang ito nitong Martes, Nobyembre 17.

Kabilang sa mga naaresto ang tatlong lalaki na mga edad 57, 31, 40 at 41-anyos na babae.

Ang babaing suspek at isa sa mga lalaking suspek  ay parehong residente ng San Juan, La Union, samantalang ang  isa pang lalaki  ay residente ng Metro Manila at ang isa pa  ay residente naman ng Bacolod City.

Bandang alas 4:00 ng hapon nang isagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant na tumagal hanggang  alas 11:30 ng gabi.

Pinangunahan ng La Union Drug Enforcement Unit ang operasyon. Kasama nila sa naturang operasyon ang Regional Special Enforcement Team Regional Office 1, Philippine Drug Enforcement Agency, La Union Provincial Office Philippine Drug Enforcement Agency, Ilocos Sur Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera Autonomous Region Regional Special Enforcement Team, Seaport Interdiction Unit 1/ K-9 Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine Drug  Enforcement Agency Regional Technical Support Unit, National Bureau of Investigation Regional Office 1, Regional Intelligence Office, Provincial Intelligence Unit at San Juan MPS.

Bukod sa hinihinalang shabu ay may  nakumpiska rin ang mga awtoridad na mga itinuturing nilang non-drug evidence.

Ginawa ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya sa mismong lugar kung saan nangyari ang operasyon,  sa presensiya ng suspek at mandatory witnesses. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here