Home ENTERTAINMENT Luningning, buntis sa edad na 43!

Luningning, buntis sa edad na 43!

1
0

Manila, Philippines – Natatadaan n’yo pa ba si Luningning, ang dating dancer sa Wowowee ni Willie Revillame?

Lea Carla Santos in real life, himalang nagbuntis si Lunigning sa edad na 43.

Bale inanunsyo niya ito kasabay ng kanyang 43rd birthday celebration.

Bale ang dinadala ng dating dancer ay panganay nila ng asawang si John Gonzaga.

Aniya, ang kanyang pagbubuntis sa edad niya’y pinakamalaking blessing mula sa Itaas.

Proud ngang finlex ni Luningning ang kanyang baby bump: “At 43, life has given me the most beautiful miracle–the blessing of becoming a mom for the first time.

“A dream I never imagined would unfold this way, but God’s timing is always perfect.”

Dagdag niya, ang kanyang puso daw ay punumpuno ng pasasalamat for God’s “love, grace and this precious gift growing inside me.”

Naging mas makabuluhan daw ang kanyang kaarawan: “As I celebrate not only another year of life, but the beautiful chapter God has written for me.”

Naging mag-asawa sina Luningning at John noong 2024.

Nitong September nang ianunsyo ni Luningning she’d become a mom.

A gender reveal na idinaos ng mag-asawa, inaasahan nilang baby boy ang kanilang panganay.

Nang mawala sa Wowowee, itinuloy ni Luningning ang kanyang pagsasayaw.

Naging fitness instructor siya, choreographer, pole at aerial dance instructor.

Kunin kaya niyang ninong ng kanyang anak si Willie?

For sure. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here