Home ENTERTAINMENT Movie produ, nagreak sa buntis isyu ni Kim!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Movie produ, nagreak sa buntis isyu ni Kim!November 18, 2026 12:4380 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Hindi na din napigilan ng producer ng KimPau movie na mag-react sa buntis issue na kinasasangkutan ng aktres.Ang latest nga daw ay nasa Canada si Kim Chiu at buntis umano.Ang producer na si Atty. Joji Alonzo spoke for her artist: “Ows, nasa Canada?”Nagbiro pa ito na hindi niya akalaing ginagawa ni Kim ang Pinoy version ng pelikulang Jumper.Fyi, ang Jumper shown in 2008 ay kuwento ng isang lalaking kayang mag-transport sa iba’t ibang lugar in a huff.Samantala, ang claim ni direk Tony Mark ay na-hack daw ang kanyang Facebook account.Siya kasi ang source ng balitang preggy ang TV host-actress.Direk Tony stated na wala siyang alam tungkol kay Kim–even daring the hacker to come forward.“Humarap ka, pasisikatin kita!” hamon niya.Nakatagpo din ng kakampi ito sa katauhan ni Boobsie Wonderland, saying na sobrang busy ito to be spreading fake news.Nungkang makahanap daw ito ng time para magkalat ng tsismis.In a related story, nagbanta si Kim na lagot ang mga tao sa likod ng mga pekeng balita tungkol sa kanya.Papanagutin mo nga, Kim! Ronnie Carrasco III