Home ENTERTAINMENT Driver’s license ni BINI Mikha, suspendido, sumuko na sa LTO!

Driver’s license ni BINI Mikha, suspendido, sumuko na sa LTO!

3
0

Manila, Philippines – Ninety-day preventive suspension ang ipinataw ng Land Transportation Office (LTO) sa lisensya ni BINI Mikha kamakailan.

Nag-viral kasi ang video ng livestream niya sa Weverse–kung saan she was on her cellphone while driving.

Makikita din ang biglang pagkahulog ng cellphone while in use, pag-reach out niya kung saan ito nahulog at muling paggamit nito.

All along ay nagda-drive siya.

Dahil doon, Mikha might face violation of Republic Act No. 10913 or Anti-Distracted Driving Act.

Ipinagbabawal kasi nito ang paggamit ng mobile devices at iba pang electronic gadgets while driving.

Naglabas din ang LTO ng show cause order (SCO) asking Mikha to explain kung bakit hindi siya kailangang patawan ng karagdagang parusa or else ay babawiin ang kanyang lisensya.

Iginiit ng nasabing ahensya na patas sila–ke sikat o hindi ang lumabag.

Sa halip na magtungo at a later date si Mikha sa LTO, sinadya na niya ang tanggapan to explain her side and deal with the case against her.

Law-abiding yarn. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here