MANILA, Philippines – Walang nakapag-uwi ng mahigit P381.7 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 18.
Batay sa opisyal na resulta ng PCSO, walang nakahula sa winning combination na 33-44-28-03-20-36 na may katumbas na jackpot na P381,712,836.09.
Hindi rin napanalunan ang P26,266,796.56 jackpot sa Mega Lotto 6/45 matapos walang makakuha sa tamang kombinasyong 11-18-45-04-14-08.
Dahil dito, parehong nanatiling walang jackpot winner ang dalawang major lotto draw ngayong Miyerkules.
Huling napanalunan ang Grand Lotto jackpot noong Marso 9, 2026, nang isang mananaya mula sa Negros Occidental ang nakasungkit ng P45 milyong papremyo.
Maaaring tingnan ng publiko ang kumpletong resulta ng mga draw sa opisyal na website ng PCSO. RNT