Home METRO Chief tanod, inakusahan ng panghahalay sa 13-anyos sa barangay hall

Chief tanod, inakusahan ng panghahalay sa 13-anyos sa barangay hall

1
0

AKLAN – Inakusahan ng panggagahasa ang isang chief barangay tanod matapos umanong abusuhin ang 13-anyos na batang babae sa loob ng barangay hall sa New Washington, Aklan.

Sa paunang ulat, pansamantalang naiwan sa pangangalaga ng tanod ang menor de edad habang may isinusumbong na insidente ang kanyang pamilya sa barangay.

Kalaunan, nalaman ng pamilya ang umano’y pang-aabuso matapos matuklasan ang insidente sa kuha ng CCTV camera sa barangay hall.

Ayon pa sa ulat, pinagbantaan umano ng suspek na papatayin ang bata kapag nagsumbong ito tungkol sa nangyari.

Lumabas din sa imbestigasyon na kumalat umano sa isang group chat ang video bago nakialam ang lokal na tanggapan ng social welfare upang ipabura ito.

Mariin namang itinanggi ng chief tanod ang mga paratang laban sa kanya.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang inihahanda ang reklamong isasampa laban sa suspek.

Samantala, nananawagan ng hustisya ang pamilya ng menor de edad kaugnay ng umano’y pang-aabusong sinapit nito. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here