MANILA, Philippines – Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) sa Disyembre ang public bidding para sa mga makinang gagamitin sa 2028 National and Local Elections.
Kinumpirma ito ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa isang ambush interview sa tanggapan ng komisyon nitong hapon.
Ayon kay Garcia, kasabay ng pagsisimula ng procurement process, makikipagpulong din ang Comelec sa iba’t ibang election stakeholders sa susunod na buwan upang talakayin ang mga detalye at sistemang gagamitin sa mga susunod na halalan.
Kasunod ito ng pag-apruba ng Comelec En Banc sa inamyendahang final Terms of Reference (TOR) para sa Full Automation System with Transparency Audit/Count (FASTrAC v2.0), na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P22 bilyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden