Home ENTERTAINMENT Bday gift ni Jake kay Rabiya, ‘pinagtripan’!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Bday gift ni Jake kay Rabiya, ‘pinagtripan’!November 20, 2026 13:0110 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Pati ba naman birthday gift ni Jake Cuenca sa girlfriendniyang si Rabiya Mateo’y pinakikialaman pa ng mga faney?Sagot: mismo!Hanash ng mga fans: bakit daw ba laging luggage ang regalo ng Kapamilya actor sa Kapuso actress?Naubusan na daw ba ng birthday gift ideas at laging maleta ang ibinibigay niya kay Rabiya?In fairness, it’s no ordinary luggage.Rimowa ito as posted by Rabiya herself on Instagram–bagay na hindi nakaligtas sa mga mata ng fans.Teka, baka inaakala din ng mga faney na Rimowa luggage din ang previous gift ni Jake, hindi kaya?Whatever, wala na daw bang puwedeng iregalo bukod sa luggage–kahit ano, huwag lang daw maleta?Unless may balak daw si Jake na bumiyahe sila abroad ni Rabiya, gamit ang Rimowa.Samantala, pinupuri naman ng mga netizens ang magkasintahan for keeping their privacy sa pamamagitan ng ‘di paglabas-labas.Naku, dahil sa balitang “hirap” daw si Rabiya sa kanyang medical course, alangan namang unahin pa niya ang pakikipag-date sa dyowa, ‘no!Kayo naman! Ronnie Carrasco III