Bulacan – Arestado ang isang indibiduwal nang mahulihan umano ng P49,347.60 ng iligal na droga, baril, granda sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Marilao nitong madaling araw ng Nobyembre 19.
Sa ulat ni PLTCOL Michael Santos, OIC ng Marilao police station, kinilala ang suspek na isang 44- anyos, residente ng San Juan City, Manila.
Sa ulat, ikinasa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng istasyon bandang 4:00 ng madaling araw sa Brgy. Loma de Gato.
Nabatid na inaresto ang target matapos magbente ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa police poseur buyer.
Nasamsam sa operasyon ang pitong sachets ng hinhinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) P49,347.60, kalibre .45 Colt MK IV Series 80 pistol, magazine, dalawang bala nito, fragmentation grenade, sling bag, coin purse at buy-bust money.
Bandang 8:45 ng gabi, huli rin ng mga tauhan ng Norzagaray police station sa Brgy. Friendship Village Resources, ang 39-anyos, residente ng Brgy. Tigbe sa kaparehong operasyon nang makumpiskahan ng apat na sachets ng hinihinalang shabu na may (SDP) P27,200.00, improvised pen gun at buy-bust money.
Nadapuli rin ng mga parak ng Santa Maria police station bandang 5:50 ng madaling sa Brgy. Caysio, si alyas “Unsoy” nang mahulihan ng P27,200.00, coin purse, .38 caliber revolver at dalawang bala nito.
Samantala, isa pang 39-anyos ang nasakote ng mga pulis ng San Rafael nang mahulihan ng P37,400.00 umanoy shabu, sumpak na may balanv 12-gauge shot gun sa Brgy. Capihan, San Rafael nitong 3:30 ng madaling ng Nobyembre 20.
Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso na nasa kostudiya ng istasyong humuli sa kanila. Dick Mirasol III