MANILA, Philippines – NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nais din ng Tsina na maisapinal sa lalong madaling panahon ang Code of Conduct (COC) para sa South China Sea, katulad ng hangarin ng lahat ng bansang kasapi ng ASEAN.
Sa isang Kapihan kasama ang mga mamamahayag, sinabi ni Pangulong Marcos na pinagbabasehan niya sa kanyang pahayag ang ipinapakitang saloobin ng Tsina pagdating sa mga negosasyon tungkol sa COC.
“Everyone is supportive of it, everyone is enthusiastic of it. For that matter, all sides…all the ASEAN leadership would like a COC,” ayon kay Pangulong Marcos.
“And I think, I feel it very strongly that China would also like to have a COC. And they say so,” ang dagdag na wika ni Pangulong Marcos.
Sinabi ni Marcos na nasa Singapore na, bilang susunod na tagapangulo ng ASEAN, ang responsibilidad na pangasiwaan ang inaasahang pagsasapinal ng Code of Conduct (COC).
“The ball of course is now in Singapore’s court. But everyone, all the shareholders in this matter have recognized the progress that we made during ASEAN in the Philippines,” anito.
Nauna nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na natapos na ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya at China ang negosasyon para sa 80 porsiyento ng Code of Conduct (COC).
Ang South China Sea, o West Philippine Sea para sa mga bahaging sakop ng 200-kilometrong exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, ay matagal nang pinagmumulan ng sigalot sa pagitan ng Beijing at Maynila. KRIS JOSE