Home METRO Vlogger Francis Leo Marcos, balik-kulungan sa ilegal na paggamit ng uniporme ng...

Vlogger Francis Leo Marcos, balik-kulungan sa ilegal na paggamit ng uniporme ng pulis

1
0

MANILA, Philippines – Muling inaresto ang vlogger na si Norman Mangusin, na mas kilala bilang Francis Leo Marcos, dahil sa umano’y ilegal na paggamit ng uniporme ng pulisya.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Brigadier General Allen Rae Co, dinakip si Mangusin nitong Huwebes ng hapon sa isang hotel sa Parañaque City.

Nag-ugat ang kaso sa larawan na inilabas ni Mangusin sa social media noong Pebrero 2026 kung saan nakasuot siya ng uniporme ng pulis.

Pinaalalahanan naman ng PNP ang publiko na ipinagbabawal ang pagsusuot ng uniporme ng pulisya kung walang kaukulang awtorisasyon.

Sinabi ni Co na korte ang magpapasya kung maaari siyang makapagpiyansa dahil idinadaan sa summary proceedings ang kaso.

Una nang inaresto si Mangusin ng National Bureau of Investigation noong Mayo 2020 sa Quezon City dahil sa umano’y paglabag sa Optometry Law.

Noong Pebrero 2026, dinakip naman siya ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa isang hotel sa Pasay City dahil sa kasong unjust vexation.

Muli siyang inaresto noong Oktubre 2026 sa isang hotel at casino complex sa Parañaque City kaugnay ng tatlong bilang ng cyberlibel.

Nakalaya si Mangusin matapos ang mga naunang pag-aresto matapos makapagpiyansa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here