MANILA, Philippines – Tinapyas ng Senado ang P97 bilyon mula sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) tulad ng pagtatayo ng multi-purpose building, sa ilalim ng Senate 2027 General Appropriations Bill.
Ibinunyag ito ni Sen. JV Ejercito, chairman ng Senate finance panel, nitong Biyernes matapos niyang ihain ang Senate Committee Report No. 131.
“P97 billion worth of projects were deleted from the DPWH budget. Ito po ang resulta ng pag-scrutinize ng Senate the past few weeks,” ani Ejercito sa press briefing.
Ayon sa senador, karamihan sa tinanggal na pondo ay inilipat sa foreign-assisted projects (FAPs).
Saan napunta ang tinapyas na P97-B pondo ng DPWH?
· P68.8 bilyon ang ibinalik para sa FAPs, kabilang ang:
P4.7 bilyon para sa Metro Manila Subway Project na tinanggal sa House GAB.
P30 bilyon ang inilaan para sa North-South Commuter Railway.
P33 bilyon ang inilagay sa DPWH FAPs, kabilang ang Cavite-Bataan Bridge at Laguna Lakeshore Highway.
Iba pang sektor na dinagdagan:
· Kalusugan: +P52 bilyon
P19.8 bilyon para sa PhilHealth
P9.6 bilyon para sa Department of Health
P5.49 bilyon para sa Health Facilities Enhancement Program
P1.09 bilyon para sa health promotion
P1.5 bilyon para sa immunization programs
Inilipat din ang pondo ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) sa Zero Balance Billing project.
· Edukasyon: +P15.3 bilyon
P11.8 bilyon para sa Department of Education, kung saan P11 bilyon ay para sa Universal Feeding Program para sa Kinder 1 hanggang Grade 1
P2.8 bilyon para sa state universities and colleges
· Agrikultura: +P48.62 bilyon
P4.4 bilyon para sa National Rice Program
· Depensa: +P5.56 bilyon
P750 milyon para sa pagpapaunlad ng critical infrastructure sa Kalayaan Group of Islands sa Palawan
Kasama rin ang P50 bilyong pondo para sa Modernization Program ng Armed Forces of the Philippines
· Tumanggap naman ang OWWA ng P650 milyon para sa emergency repatriation fund sakaling magkaroon ng krisis.
Nakatakdang i-sponsor ni Ejercito ang committee report sa plenaryo ng Senado sa Lunes, Nobyembre 23.
Tatalakayin ito sa plenaryo sa buong linggo hanggang Nobyembre 27, bago magpatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Disyembre 1. Ernie Reyes