Home ENTERTAINMENT Herlene, nanampal ng kapwa artista!

Herlene, nanampal ng kapwa artista!

1
0

Manila, Philippines – Force her to do something which is against her will, at makikita mo ang hinahanap mo.

Sa isang interview, itsinika ni Herlene Budol ang tungkol sa kanyang karansan sa isang “mapilit na katrabaho.”

Bale ba, kinukumbinsi daw siya nito na subukang gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sa labis na pagkagulat daw ay nasampal daw ito ng sexy comedienne.

Pero hindi na tinukoy o pinangalanan ni Herlene kung sino ang artistang ‘yon–at kung lalaki o babae din.

Isa lang daw ang tiyak base sa nasabing karanasan niyang ‘yon–nabawasan daw ang respeto niya sa taong ‘yon na nang-eengganyong subukan mag-drugs.

Pagmamalaki ni Herlene, lumaki’t nagkaisip man daw siya sa isang magulong lugar kung saan may mga adik din, ni minsan ay hindi siya natuksong gumamit ng droga.

Aniya, intact pa rin daw ang kanyang values.

Even during times of depression, hindi siya kailanman tumikim ng droga para takasan ang kalagayan niya.

Salamat din daw sa showbiz dahil pinatatag siya nito.

Natuto daw siyang lumaban sa buhay at sa mga taong nang-aagrabyado sa kanya.

Mas nananaig daw ang palaban na Herlene kesa sa babaeng madaling sumuko sa mga hamon ng buhay.

Taray! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here