Home ENTERTAINMENT Eric Fructuoso, ayaw ipakita ang esmi, nagpaliwanag!

Eric Fructuoso, ayaw ipakita ang esmi, nagpaliwanag!

1
0

Manila, Philippines – Ipinaliwanag ni Eric Fructuoso ang dahilan ng ‘di niya pagpapakita sa kanyang misis sa social media.

Valid naman ang katwiran ng dating Gwapings member.

Ani Eric: “Unang-una, nirerespeto ko ang privacy niya. Hindi naman kasi siya artista, eh.

“Minsan kasi, kung ayaw mong masira ang isang bagay, mas mabuting huwag mo na lang ipakita sa iba.

“Marami na rin tayong nakaaway na inggit din sa atin.

“Ako na lang ang guluhin n’yo, huwag na ‘yung mga mahal ko sa buhay.”

Thankful din si Eric that his wife is not the social media-type.

In fairness, may mga times naman na nagpo-post si Eric kasama ang kanyang misis, only that she doesn’t expose her face.

Both Eric and his wife follow healthy lifestyle and are into running.

“Behaved” na din si Eric na mas gustong umuwi ng bahay to be with his wife rather than bumarkada.

Aniya: “Kung lalabas ka pa, gagawan ka pa ng issue. At least ako, walang puwedeng iisyu sa akin kasi I just stay home.”

May point. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here