MANILA, Philippines – Naitama na ang mga pagkakamali sa coordinates ng walong farm-to-market road (FMR) projects na kasama sa proposed 2027 budget, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa panayam, sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na nakipagpulong ang Agriculture Department sa People’s Budget Coalition, Better Gov. PH, at Bisto Proyekto para talakayin umano’y “encoding and geotagging errors” sa walong FMRs na kinikwestyon.
“The DA told them that we took responsibility and are already correcting those information and it was already fixed,” sinabi ni de Mesa.
Sa pagdinig ng House agriculture and food committee sa pagtugon ng pamahalaan sa El Nino, inamin ni DA Assistant Secretary for Operations U-Nichols Manalo na walo sa 1,699 FMR projects sa proposed budget ng ahensya para sa susunod na taon ay naglalaman ng maling coordinates dahil sa encoding errors.
Ito ay kasunod ng pagpuna ng budget watchdog na People’s Budget Coalition sa mga probisyon ng proposed 2027 national budget, na inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa na mayroong mga umano’y maling project coordinates.
Sa naunang pahyayag, sinabi ng DA na ang discrepancies ay natukoy na dahil sa encoding at typographical errors.
Ani De Mesa, ang mga proyektong may maling coordinate ay mas mababa sa 1% ng kabuuang 1,669 FMRs sa proposed budget ng DA para sa 2027.
Anang opisyal, lahat ng proposed FMRs ay bumubuo sa mas malawak na FMR Network Plan ng ahensya na na-validate na at na-geo-tag. RNT/JGC