Home NATIONWIDE P3.4M shabu nasabat sa HVI sa CDO

P3.4M shabu nasabat sa HVI sa CDO

1
0

MANILA, Philippines – Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang isang high-value drug suspect sa buy-bust operation sa Barangay Bayabas sa Cagayan de Oro City noong Huwebes, Nobyembre 19.

Sa kalatas nitong Sabado, iniulat ng Northern Mindanao Police Regional Office (PRO 10) na pinangunahan ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) Team 2 ang operasyon kasama ang iba pang unit ng pulisya sa lungsod at naaresto ang suspek na si alyas “Tax,” 38, single, walang trabaho at residente ng Barangay Bayabas.

Ayon kay Brig. Gen. Nestor Babagay Jr., PRO 10 director, ang operasyon ay sumasalamin sa layunin ng pulisya na mabuwag ang mga illegal drug trade sa Northern Mindanao.

“We will remain relentless in our intelligence-driven operations and will continue working closely with our partner agencies to keep illegal drugs away from our communities,” sinabi ni Babagay.

Nakumpiska sa suspek ang isang heat-sealed sachet at limang knot-tied plastic sachets na naglalaman ng 500 gramo ng hinihinalang shabu, puting ziplock cellophane, itim na sling bag, at tatlong P1,000 bills na ginamit bilang buy-bust money.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na kinukuha ng suspek ang suplay nito mula sa Maguing, Lanao del Sur, at ginagamit ang drop-off method para ipamahagi ito.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung gaano kalawak ang sakop ng suspek sa illegal drug trade.

Nasa kustodiya na ng Maharlika Custodial Facility ang suspek at nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165). RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here