Home NATIONWIDE Suplay ng baboy sapat sa pagdiriwang ng Pasko – producers

Suplay ng baboy sapat sa pagdiriwang ng Pasko – producers

1
0

MANILA, Philippines – Siniguro ng mga pork producer na sapat ang suplay ng karne sa paparating na holiday season.

Inaasahan ang mahigit 600,000 metriko tonelada na surplus pagsapit ng Enero 2027.

Ayon kay Eric Harina, presidente ng Pork Producers Federation of the Philippines Inc., ang bansa ay may kabuuang pork supply para sa 2026 na tinatayang 2.3 milyong metriko tonelada mula sa lokal na produksyon at import.

“‘Yung na-produce natin na baboy for 2026 nasa 1.3 million metric tons. Ibig sabihin 1.3 billion kilos yan. At tsaka yung inangkat natin for this year mahigit isang milyon metric tons,” sinabi ni Harina.

Aniya, ang projected supply ay lampas sa annual pork consumption na 1.7 metriko tonelada.

“Itong 600,000 metric tons equivalent ito sa apat na buwang suplay… Ganun po yung kadami ng baboy,” dagdag niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here