MANILA, Philippines – Nakasagupa ng mga sundalo mula sa 50th Infantry Battalion ng Philippine Army ang pitong hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Dulao, Malibcong, Abra.
Ayon sa pulisya at militar, nagsasagawa ng patrol operations ang tropa nang makaengkwentro ang mga miyembro ng Ilocos-Cordillera Regional Committee ng NPA na nag-ooperate sa Abra.
Natapos ang sagupaan bandang 6:18 ng gabi noong Huwebes. Wala namang nasawi sa dalawang panig.
Matatandaan na noong Agosto ay nakasagupa rin ng mga sundalo ng 50th at 98th Infantry Batallions ng Philippine Army ang 10 hinihinalang rebeldeng NPA sa Barangay Bonglo, Licuan-Baay, Abra kung saan tatlong rebelde ang nasawi. RNT/JGC