MANILA, Philippines – Pormal nang sinampahan ng kasong attempted rape with homicide ang suspek sa pagpatay sa isang 25-anyos na babae na natagpuang wala nang buhay sa ilalim ng tulay Dasmariñas City, Cavite.
Sa report ng pulisya at sa follow-up operation, natunton ang suspek sa lungsod ng Paranaque noong Huwebes, Nobyembre 19, 2026.
Matatandaa natagpuan ang bangkay ng biktimang si Janeen Kay Camarce, 25 anyos, isang registered Paychometrician na nagtapos sa De La Salle Dasmariñas, residente ng Barangay San Agustin 1, Dasmariñas City sa ilalim ng tulay ng pribadong subdivision kung saan ito nakatira noong Nobyembre 8.
Ayon sa ulat ng pulisya, natunton ang pagkakakilanlan at pinagtataguan ng suspek sa pamamagitan ng masusing imbestigasyon, panayam sa mga saksi, at pag-review sa mga kuha ng CCTV sa lugar.
Kasalukuyang nasa kostudiya na ng Dasmarñas Police ang suspek upang harapin ang kasong isinampa laban sa kanya. MARGIE BAUTISTA