MANILA, Philippines – Isasailalim sa yellow alert ang Visayas grid ngayong Linggo, Nobyembre 22 dahil sa manipis na suplay ng kuryente, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Sa abiso, sinabi na ang yellow alert status ay nakataas mula alas-5 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.
Ang grid ay kasalukuyang may available capacity na 2,380 megawatts (MW) at peak demand na 2,347 MW.
Idineklara ang yellow alert status dahil sa unavailability ng ilang coal plant sa Visayas.
Mayroon ding unplanned outages ng Therma Visayas Inc. 2 at Palinpinon I Geothermal Power Plant Unit 1.
Samantala, mayroong planned outage naman sa Palm Concepcion Power Corporation at KEPCO SPC Power Corporation Unit 2.
Dagdag pa, sinabi rin ng NCGP na may limited transfer capacity ng Mindanao-Visayas interconnection dahil sa scheduled maintenance ng Baloi-Kauswagan 230kV Line 1.
Walong planta ang naka-forced outage ngayong Nobyembre, isang planta mula Oktubre, dalawa mula Setyembre, dalawa mula Agosto, isa mula Hunyo, tatlo mula 2025, isang planta mula 2024, dalawang planta mula 2023 at isa mula 2021.
Mayroon namang 21 planta ang tumatakbo sa derated capacities, sa kabuuang 668.4MW na unavailable sa grid. RNT/JGC